Sa
araw-araw nating pamumuhay, mula sa pag gising natin sa umaga, hanggang matapos
ang buong araw, di natin maitatanggi na tayo’y minsan napapatanong kung ano ang
kahalagahan ng pag pasok sa paaralan.
Maraming
nagsasabing “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” at “Kabataan ang Babangon sa
Kahirapan”. Ngunit mahirap isipin na mas marami sa mga kabataan ngayon ang di
makapag-aral at hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa iba’t ibang mga
dahilan. Ang ilan ay hindi pumapasok sapagkat tinatamad gumising ng umaga, ang
ilan pa ay nalulong sa mga masasamang bisyo." Mahalaga ang Edukasyon", kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay labis na totoo. Dito nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa mundong ito.Upang tayo'y magkaroon ng isang masaganang pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan nating maghanda sapagkat hindi natin maiiwasan na maharap sa mga hadlang at problema na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay, kaya nararapat lang na tayo'y maging handa nang sa gayo'y malagpasan natin ang mga ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili at determinasyon. Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.
Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin. Isa itong kayamanan na hindi makukuha ng kahit sino man sa'yo. Ang edukasyon ang ating sandata para sa magandang kinabukasan, hindi lamang para sa atin pero kundi pati na rin sa ating bayan. Sa pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos sapagkat sa kanya, lahat ng bagay ay hindi imposible.