Huwebes, Agosto 27, 2015

Edukasyon: Daan tungo sa tagumpay



            Sa araw-araw nating pamumuhay, mula sa pag gising natin sa umaga, hanggang matapos ang buong araw, di natin maitatanggi na tayo’y minsan napapatanong kung ano ang kahalagahan ng pag pasok sa paaralan.

            Maraming nagsasabing “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” at “Kabataan ang Babangon sa Kahirapan”. Ngunit mahirap isipin na mas marami sa mga kabataan ngayon ang di makapag-aral at hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa iba’t ibang mga dahilan. Ang ilan ay hindi pumapasok sapagkat tinatamad gumising ng umaga, ang ilan pa ay nalulong sa mga masasamang bisyo." Mahalaga ang Edukasyon", kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay labis na totoo. Dito nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa mundong ito.Upang tayo'y magkaroon ng isang masaganang pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan nating maghanda sapagkat hindi natin maiiwasan na maharap sa mga hadlang at problema na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay, kaya nararapat lang na tayo'y maging handa nang sa gayo'y malagpasan natin ang mga ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili at determinasyon. Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.

             Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin. Isa itong kayamanan na hindi makukuha ng kahit sino man sa'yo. Ang edukasyon ang ating sandata para sa magandang kinabukasan, hindi lamang para sa atin pero kundi pati na rin sa ating bayan. Sa pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos sapagkat sa kanya, lahat ng bagay ay hindi imposible.

22 komento:

  1. WELL SAID.kaya mag sipag tayo sa pag-aaral para sa magandang kinabukasan!!! Sakit.info

    TumugonBurahin
  2. Gusto ko sana humingi ng permiso na humiram ng iyong talumpati para sa aming gagawing talumpati bukas. Ako'y naantig sa iyong talumpati kung kayat sanay pagbigyan mo akong hiramin ito. Dahil kagaya mo'y gusto ko rin ipaalala at ibahagi sa iba kung gaano kahalaga ang edukasyon :)

    TumugonBurahin
  3. Maaari po bang hiramin ang iyong talumpati para sa aming asignaturang Filino? Nagandahan po ako sa inyong nalikhang talumpati at nais ko po sanang kumuha ng ideya mula sa iyong ginawa.

    TumugonBurahin
  4. gusto to sanang humingi ng permiso na humiran ng iyong talumtapi para sa aming proyekto na itoy aking ipasa.

    TumugonBurahin
  5. Gusto ko sanang humungi ng permiso na humiram ng iyong talumpati para sa aming paynals na itoy aking ipasa. Maraming salamat

    TumugonBurahin
  6. Maaaari po bang hiramin ko ang iyong talumpati para sa aming paynals? Kukuha lang po ako ng ideya sapagkat ako'y nagagandahan sa iyong ginawang talumpati. Maraming salamat.

    Tumugon

    TumugonBurahin
  7. nais ko sanang hiramin ang iyong talumpati para sa aking proyekto

    TumugonBurahin
  8. Pwede ko po bang hiramin ito para lamang sa aking talumpati?

    TumugonBurahin
  9. pwede ko po ba itong mahiram? para sa aming talumpati?

    TumugonBurahin
  10. Maaari ko po ba gamitin ang iyong talumpati para sa gaganapin naming talumpati sa final? Maraming salamat

    TumugonBurahin
  11. Maaari po bang gamitin ang iyong talumlpati para sa aming asignatura? Maraming salamat

    TumugonBurahin
  12. Maari ko bang gamit Ang iyong talumpati

    TumugonBurahin
  13. Maaari po bang mahiram any inyong talumpti bilang halimbawa ng talumpat.salamat

    TumugonBurahin
  14. Maari ko bang pagbasehan ang iyong talumpati?

    TumugonBurahin
  15. Sabi nila ang "Kabataan ang pag-asa ng bayan"...Ngunit sa pinapakita nilang kawalan ng respeto sa kanilang pinagmulan ay parang utay-utay nang pinapatay ang sinasabing pag-asa sa bayan.

    TumugonBurahin
  16. Ako man ay humihingi ng iyong pahintulot upang pagbasehan itong iyong talumpati. Ito'y aking gagamitin sa aking proyekto sa Filipino. Maraming salamat po.

    TumugonBurahin
  17. Humihingi po ako ng pahintulot na gamitin ang inyong talumpati sa aking module sa Filipino sa Piling Larang. Maramimg salamat po

    TumugonBurahin
  18. nais kong hiramin ang iyong talumpati

    TumugonBurahin
  19. nais ko po sanang hiramin ang iyong talumpati para sa aking proyekto

    TumugonBurahin
  20. Pwede p bang hiramin Ito para lang po sa aking talumpati

    TumugonBurahin
  21. Magandang araw sa iyo! Maaari po bang mahiram ang iyong gawang talumpati? Gagamitin ko lamang ito para sa aking indibidwal na gawain sa asignaturang Filipino sa Piling Larang. Maraming salamat po! <3

    TumugonBurahin